Mom just asked me why I wasn’t watching the impeachment of CJ Corona. Answer: “What for? Nothing but a ploy to make us believe that it will be an impartial practice. Evidence doesn’t matter. All they need is numbers in Senate to impeach. Don’t you think Noynoy thought of that before proceeding? No Senate and CONgress will ever render a just decision if they still want they pork barrel released by DBM.”
Kiko just said that the impeachment proceedings will benefit the Filipino people. What BS! In just a month we have 4 gas and diesel price hike. Don’t you think doing something about that will benefit more Filipinos? Sino ba talaga makikinabang sa pagpatalsik kay Corona, hindi ba yung may mga kaso na nakasampa sa Supreme Court? At ilan ba sa mga isang kahig, isang tuka na mga Pilipino ang nagkakaso at nakarating sa Supreme Court? Yung mga nakakarating sa Supreme Court ay yung may mga PERA, tulad ng mga Aquino, Arroyo, Roxas, Cojuangco at iba pang pamilya na patuloy na naghahari sa Pilipinas.
Palibhasa hindi sila apektado sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil ang kinakarga nila sa kanilang mga sasakyan ay galing sa buwis na ibinabayad ng mga karaniwang mamamayan. Wala silang pakialam sa pagtaas ng pasahe dahil nakasakay sila sa mga magagara at airconditioned na mga sasakyan, kasama na ang kanilang pamilya at mga kasambahay. Wala silang pakialam sa pagtaas ng presyo ng bilih…in dahil ano man ang pagmamalinis nila pare-pareho lang maging alin mang administrasyon ang tumutongpats. Mahirap kasi sa mga Pilipino pag ang manok na nila ang nakaupo, bulag na rin sa mga kabulastugan na ginagawa.
Hangga’t ang mga dati nang mga pamilya na namumuno at naghahari dito sa Pilipinas ang patuloy natin iluluklok, walang mangyayari sa mga ordinaryong Pilipino. Dahil ang mga nangyayaring ito ay away ng mga mayayaman lang at ng may kaya na binihisan nila para magmukhang kagalang-galang.
Ano ba ang rason nila bakit nila inaalis si Corona, hindi ba dahil hadlang daw ito sa paghahabol nila kay Arroyo? Tanong ko lang sa tagal na ng panahon na hinahabol ang mga tiwaling mga opisyal meron ba ni isa sa mga ito ang naging paki-pakinabang sa mga ordinaryong Pilipino? Na nakatulong man lang sa mga mamamayan para maibsan ang kanilang paghihirap?
Alin ba ang mas mahalaga sa mga ordinaryong …Pilipino, yung napakataas na singgil sa kuryente, yung walang humpay at patumanggang pagtaas ng presyo ng petrolyo, yung pagtaas ng presyo ng bilihin, o ang makulong si Arroyo na alam naman natin aabot ng ilang taon baka wala na sa puwesto si Noynoy ay hindi pa makulong dahil isa ring may perang pamilya ito?
Sa tagal na paghahabol sa mga ill-gotten wealth daw ng mga Marcoses ano na ang nahita ng mga mamamayang Pilipino? Meron ba kayong naramdaman na paggaan ng pamumuhay?